Pangulong Duterte, aminadong gusto nang magbitiw sa puwesto dahil sa korapsyon sa pamahalaan

Muling inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pagnanais na magbitiw sa kaniyang puwesto dahil sa korapsyon sa pamahalaan.

Sa kaniyang public address, aminado si Pangulong Duterte na nahihirapan siyang puksain ang korapsyon sa burukrasya dahil tila wala itong katapusan.

“Ewan ko kung sabihin ko ito sa inyo — I offered to resign as President. Pinatawag ko ‘yung lahat ng… Sabi ko na I have — kasi nagsasawa na ako,” sabi ng Pangulo.


Binanggit din ng Pangulo ang nagpapatuloy na “Pastillas scheme” sa Bureau of Immigration sa kabila ng mga isinasagawang imbestigasyon.

“Maski ‘yang mga pastillas, hanggang ngayon. Even with the investigation or the clamor for government to be — I said to shake the tree, wala. Sige hanggang ngayon, it’s being committed everyday,“ ani Duterte.

Dagdag pa niya, laganap din ang korapsyon sa Land Registration Office.

“You are really notorious even in the provinces of — sometimes the employees run to that mill of the grid of bureaucracy. Mag-imbento ng mga peke na dokumento. Marami diyan. I prosecuted about seven itong p***** i**** Land Registration,” sabi ni Pangulong Duterte.

Nanindigan si Pangulong Duterte na hindi mahihinto ang korapsyon sa gobyerno.

Facebook Comments