Pangulong Duterte – aminadong hindi kayang ipadeport ang mga Chinese worker sa Pilipinas

Manila, Philippines – Hindi maipapa-deport ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese worker sa Pilipinas.

Katwiran ng Pangulo – kapag pinaalis niya sa bansa ang mga manggagawang Chinese, baka palayasin rin sa China ang nasa 300,000 mga Pinoy na nagtatrabaho doon.

Kung iniisip aniya ng mga Pilipino na nalalamangan sila ng mga Chinese, hindi rin aniya dapat makalimutan na marami ring Pinoy ang nagtatrabaho sa China.


Aniya, dapat lang na maipa-deport ang mga dayuhang iligal na nagtatrabaho sa bansa pero dapat maging maingat sa isyu.

Una rito, nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado kaugnay sa pagdami ng mga manggagawang Chinese sa bansa para malaman kung naagawan nila ng trabaho ang mga Pinoy.

Nitong nakaraang Martes naman nang makaaresto ang Bureau of Immigration ng mahigit 200 foreign nationals sa raid sa isang network technology company sa Makati City.

Noong 2018, kabuuang 553 dayuhan ang nadakip ng BI Intelligence Division na karamihan ay iligal na nagtatrabaho sa bansa.

Facebook Comments