Pangulong Duterte, aminadong hindi libre ang COVID-19 vaccine

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangailangan ng Pilipinas ng bakuna para malabanan ang COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang public address, sinabi ng Pangulo na tanging ang makasasagip lamang sa buong sangkatauhan ay bakuna.

Pinasalamatan ng Pangulo ang Russia at China sa kanilang alok na bigyan ang Pilipinas ng kanilang dine-develop na COVID vaccine.


Aminado si Pangulong Duterte na ang mga bakuna ay hindi libre.

Pagtitiyak naman ng Pangulo na handang magbayad ang Pilipinas para sa mga bakuna, subalit makikiusap siya sa Russia at China na kung maaari ba itong gawing utang lalo na at mahal ang bakuna.

Nabatid na plano ng Pilipinas at Russia na simulan ang Phase 3 clinical trials ng “Sputnik V” vaccine sa Oktubre.

Facebook Comments