Manila, Philippines – Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na may pagkukulang ang mga pulis pagdating sa imbestigasyon ng mga krimen.
Sa pagdalo ng pangulo sa 11th ambassadors tour sa Davao kahapon, sinabi nito na hindi pa abot ng bansa ang kalidad ng gamit ng mga imbestigador sa Amerika partikular pagdating sa forensics.
Wala aniyang nagsulong na pagandahin ang gamit ng Philippine National Police (PNP).
Inungkat ni Pangulong Duterte ang kakulangan ng libreng pagamot sa bansa.
Kasabay nito, muling binanatan ng pangulo ang mga human rights groups sa iba’t-ibang bansa pati na rin ang mga tiwaling opisyal.
Ibinahagi din ng pangulo ang pagkakaroon niya ng girlfriend at nabanggit din niya ang impyerno.
Nagpahayag muli ng kagustuhan ang pangulo na makabisita ng Marawi City.
Nilinaw niya na walang heneral ang nagpayo sa kanya na ideklara ang martial law sa Mindanao.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558