Pangulong Duterte, aminadong may pahintulot sa kanya ang pagbubukas ng casino at POGO

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinayagan niya ang muling pagbubukas ng casino at online gambling dahil sa pandemic.

Sa pulong ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sinabi ng pangulo na hindi niya itinatangging pinayagan niya muli ang pagbubukas ng casino at operasyon ng POGOs o Philippine Offshore Gaming Operators.

Aniya, naubos ang pondo ng gobyerno dahil sa pandemya kaya kailangan ng pagkukunan nito ng pera.


Paliwanag pa ng pangulo, kung noon ay tinanggihan niya ang pagbubukas ng mga ito, ngayon ay bukas na siya sa mga ganitong aktibidad para makalikom ng pera ang gobyerno mula sa buwis ng mga casino at POGO.

Hindi naman kasali sa mga sugal na pinayagan ng pangulo ang jueteng na binobola sa mga barangay dahil walang kontrol dito ang gobyerno.

Facebook Comments