Pangulong Duterte, aminadong nakipagkaibigan sa mga rebeldeng komunista para makakuha ng boto

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakipagkaibigan siya dati sa mga rebeldeng komunista para makakuha ng suporta sa eleksyon.

Pero sa kanyang talumpati sa Leyte, nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi niya maaaring pagbigyan ang hiling ng mga rebelde dahil pagtataksil sa bayan ang kanyang gagawin.

Aniya, ikinonsidera niya noon na kaibigan ang mga rebelde.


Muli ring iginiit ni Pangulong Duterte na walang instant solution sa ilang dekadang insurgency.

Kailangan ng gobyerno ng kooperasyon mula sa lahat ng sektor para malabanan ang problemang ito para makamit ang kapayapaan sa mga komunidad.

Facebook Comments