Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na matinding problema ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic ang kakulangan sa pondo.
Sa kaniyang public address, sinabi ng Pangulo na naapektuhan ang revenue generation matapos pabagsakin ng pandemya ang ekonomiya.
Iginiit ng Pangulo na kailangang gumastos ng gobyerno nang wasto hindi lamang para matugunan ang krisis kundi muling buhayin ang ekonomiya.
Nabatid na sinabi ni Pangulong Duterte sa kaniyang mga naunang public address na ubos na ang pondo ng gobyerno at hindi na kaya pang magbigay ng ayuda sa mga apektado ng pandemya.
Ang Department of Budget and Management (DBM) ay iniulat na inaprubahan ng gobyerno ang P376.57 bilyon para sa iba’t ibang COVID-19 related programs ng government agencies.
Facebook Comments