Pangulong Duterte, aminadong walang magagawa sa pagiging agresibo ng China sa South China Sea

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na isa siyang ‘inutil’ at wala siyang magagawa laban sa pagiging agresibo ng China sa pag-angkin nito sa South China Sea.

Sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA), iginiit ni Pangulong Duterte na kailangang idaan sa diplomatikong paraan ang usapin maliban na lamang kung handa ang bansa na makipag-giyera.

Hindi rin niya kayang makipagdigma sa China pero sa ibang pangulo siguro ay kakayanin ito.


Ipinunto rin ng Pangulo na may armas ang China at hawak na nila ang lugar.

Hindi rin pabor si Pangulong Duterte na magkaroon ng foreign military bases sa Pilipinas.

Nabatid na paulit-ulit nang tinatanggihan ng China na kilalanin ang 2016 Arbitral Ruling na nagbabasura sa historical rights ng Beijing sa 90-porsyento ng buong South China Sea.

Nitong Pebrero, ipinag-utos ni Pangulong Duterte na tapusin ang military pact nito sa Washington matapos kanselahin ang visa ni Sen. Ronald Dela Rosa.

Sinuspinde naman ng Pangulo noong Hunyo ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Facebook Comments