Pangulong Duterte at dating Pangulong Arroyo, kakain ng poultry products sa isang boodle fight sa Pampanga mamaya

Manila, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang 11 ng umaga ang programang sama-sama tulong tulong sa pagbangon at pagsulong na binuo ng Department of Agriculture katuwang ang Department of Health at lokal na pamahalaan para ipakita ang suporta sa paultry industry sa pampanga na tinamaan ng avian influenza o bird flu.

Makakasama ni Pangulong Duterte sa nasabing aktibidad si dating pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo, Agriculture Secretary Many Piñol, Health Secretary Paulyn Ubial at iba pang lokal na opisyal ng Pampanga at maging ilang opisyal mula Nueva Ecija na naapektuhan din ng nasabing virus.

Highlight ng nasabing aktibidad ang gagawing boodle fight na pangungunahan ni Pangulong Duterte kasama ang kanyang gabinete, dating Pangulong Arroyo at mga kinatawan ng paultry industry kung saan kakain ang nga ito ng chicken barbecue, balot at itik.


Gagawaran din naman ng pagkilala ang mga sundalo na tumulong sa culling o pagpatay sa mga naapektohang manok, itik, pugo at iba pang paultry products.

Facebook Comments