Pangulong Duterte, at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan, pinagku-kumento na rin ng Korte Suprema sa petisyon ng human rights group

Supreme Court

Nagpalabas na ng Writ Of Amparo  at Habeas Data ang Korte Suprema para sa mga petitioners nito mula sa grupo ng mga kababaihan at human rights group.

 

Kaugnay ito ng alegasyon ng grupo laban sa mga matataas na opisyal ng gobyerno na anilay nanggigipit at nag-uugnay sa kanila sa maka-kaliwang grupo

 

Sa anim na pahinang notice ng Supreme Court En Banc , iginawad ang hirit na Writs Of Amparo at Habeas Data pabor sa Karapatan Alliance Philippines, Inc.; Rural Missionaries of the Philippines Inc.; at General Assembly Of Women For Reforms, Integrity, Equality, Leadership And Action (GABRIELA) Inc.


 

Binigyan ng Supreme Court ng hanggang June 13 ang mga respondentspara makapag-kumento at maisagawa ang tinatawag na verified return.

 

Kasama sa mga respondents sina Pangulong Duterte ; Defense Sec Delfin Lorenzana; National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.; Presidential Spokesman Salvador Panelo ; nica Director Gen. Alex Paul Monteagudo ; AFP Chief Of Staff Benjamin Madrigal at iba pang opisyal ng military.

 

 

Kaugnay nito, inatasan naman ng sc ang presiding justice ng court of appeals para maisagawa sa lalong madaling panahon ang pag-raffle sa petisyon ng mga abogado.

 

Inatasan din na madinig ng ca ang petisyon sa june 18, 2019, at maglabas ng desisyon sa loob ng sampung araw matapos na masumite ang kaso para desisyunan.

Facebook Comments