Pangulong Duterte at Indonesian Pres. Widodo, nag-usap sa Thailand

Nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo sa Bangkok, Thailand kung saan kasalukuyang ginaganap ang ASEAN Summit.

Nangyari ang pulong kagabi kung saan napag-usapan ang pagkumpleto sa domestic requirements para sa maritime boundary treaty ng dalawang bansa na inaasahang maipatutupad ngayong taon.

Nagkasundo rin ang dalawang bansa na mas pasiglahin ang pag-i-import ng Pilipinas ng mga produkto nito sa Indonesian Market gaya ng saging, sibuyas tagalog, niyog, at mga industrial products gaya ng auto parts habang mag-a-angkat naman ang Pilipinas ng kape sa Indonesia.


Ayon pa kay DTI Sec. Ramon Lopez, nag-committ din ang Indonesia na magtatayo ng Kopiko Coffee processing plant sa Pilipinas.

Bukod dito, natalakay din sa Bilateral Meeting ang pagpapalakas ng kooperasyong ng Pilipinas at Indonesia sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, paglaban sa terorismo, iligal na droga at korapsyon.

Kasama sa pulong sina Presidential Spokesman Salvador Panelo, DFA Sec. Teodoro Locsin Jr., Finance Sec. Carlos Dominguez, Agriculture Sec. Manny Piñol, DSWD Sec. Rolando Bautista at mga counterpart nila sa Indonesia.

Huling nag-usap si Pangulong Duterte at Widodo noong 2018 sa Bali, Indonesia.

Inaasahang makikipag-usap din ang Pangulo kay Thai Prime Minister Prayut Chan-O-Cha bago bumalik sa Pilipinas.

Facebook Comments