Pangulong Duterte at Indonesian President nagalak sa naging resulta ng kanilang bilateral meeitng ayon kay Secretary Panelo

Inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na natapos na ang Domestic Requirement ng Pilipinas at ng Indonesia na magiging daan para magkaroon ng isang malaking kasunduan kaugnay sa pagkakaroon ng linya o delimitation para sa exclusive economic zone sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Ayon kay Panelo, ito ang highlight ng bilateral meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Indonesian President Joko Widodo dito sa Bangkok, Thailand.

 

Sinabi ni Panelo na naghayag ng kagalakan si Pangulong Duterte at President Widodo sa development na ito dahil isa aniya itong malinaw na patunay na patuloy ang matatag at magandang bilateral relations ng Pilipinas at Indonesia na nagdiriwang din ng ika 70 anibersaryo ng diplomatic at bilateral relations.


 

Isa din aniya itong instrumento para maresolba ang iba pang disputes bilang pagsunod narin sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

 

Umaasa aniya ang pamahalaan na magiging halimbawa ito para sa ibang mga bansa na mayroong parehong issue sa Pilipinas habang nagpapatuloy din ang pakikipagtulungan sa mga kaalyado sa rehiyon.

Facebook Comments