Pangulong Duterte at Kongreso, masisira kapag hindi natuloy ang term sharing sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Congressman Lord Allan Velasco

379
Photo Courtesy: Presidential Communications Operations Office

Nilinaw ngayon ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza na tuloy ang term sharing sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Congressman Lord Allan Velasco.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Atienza na ang mosyon kahapon ni AnaKalusugan Partylist Rep. Michael Defensor ay upang tutulan lang ang pagbibitiw ni Cayetano bilang speaker at dapat nitong tapusin ang napagkasunduan o “gentleman’s agreement” na bababa siya sa pwesto sa Oct. 14, 2020.


Nabatid sa botong 184 na yes, isang no at siyam na nag-abstained, hindi pinayagan ng mga mambabatas na magbitiw kahapon sa pwesto si Cayetano at pinapatapos ang termino nito bilang House Speaker sa Oct. 14.

Kasabay nito, sinabi ni Atienza na kung hindi tutuparin ni Cayetano ang kasunduan na term sharing ay lalabas ito na walang isang salita at mailalagay nito sa kahiya-hiya ang Kongreso, maging si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments