Pangulong Duterte at Labor Secretary Bello, inaasahang mag-uusap ngayong araw tungkol sa epekto ng pagsasara ng planta ng Honda

Pag-uusapan ngayong araw nina Pangulong Rodrigo Duterte at ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello ang napipintong kalbaryo ng mga manggagawa ng Honda kasunod ng inaasahang pagsasara ng kanilang planta sa Laguna.

Sa napipintong pagsasara ng planta nito halos 400 manggagawa ang mawawalan ng trabaho.

Ayon sa Kalihim, kanyang ipaparating sa Pangulo ang naging apela niya sa management ng Honda dahil hindi niya maunawaan kung bakit isang buwan lang ang ibinigay na notice sa mga maaapektuhang empleyado.


Naniniwala din si Bello na hindi makatao ang ginawa ng Honda na aniya ay mistulang binalewala ang ginugol na 15-20 taon sa serbisyo ng kanilang mga empleyado.

Kahapon, matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na maliit lamang ang epekto ng pagsasara ng Honda sa local economy ng bansa.

Facebook Comments