Pangulong Duterte at mga negosyante, naisahan ang mga manggagawa sa pangakong wakasan ang kontraktwalisasyon – TUCP

Inamin ni TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza na naisahan sila ni Pangulong Duterte at ng mga sektor na may sariling interes nang ipangako ang tuluyang pagtuldok sa kontraktwalisasyon sa bansa.

Ayon kay Mendoza, umasa sila sa campaign promise ng Pangulo noong 2015 dahil siya ang kauna-unahang kandidato na nagsabing wawakasan niya ang end of contract.

Sa halip na tugunan ng Pangulo ang pangako ay nadala ito sa panunulsol at pag-la-lobby ng foreign chamber of commerce para harangin ang Security of Tenure Bill kaya kalaunan ay na-veto ni Duterte.


Dahil dito, plano ng TUCP na maghain ng bagong anti-endo bill ngayong 18th Congress kung saan partikular na nakasaad sa probisyon ang pag-criminalize sa labor-only contracting at umaasa silang sa pagkakataong ito ay pakikinggan na ni Pangulong Duterte ang hinaing ng mga manggagawa.

Pero dinepensahan naman ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang naging desisyon ng Pangulo na aniya’y inisip lamang din ang kapakanan ng lahat at ibinalanse ang sitwasyon.

Facebook Comments