Manila, Philippines – Hinikayat ni Kabayan Rep. Harry Roque sina Pangulong Duterte at Ombudsman Conchita Carpio-Morales na mag-usap na para hindi lumala ang iringan ng mga ito.
Ito ay kasunod ng banggaan ng Pangulo at ng Office of the Ombudsman sa isinasagawangimbestigasyon sa mga bank accounts ng Pangulong Duterte.
Sinabi ni Roque, mukhang matagal nang hindi nagkakausap ang dalawa kahit pa mag-kamag-anak ang mga ito.
Pinaghihinay-hinay ng kongresista ang mga opisyal ng Ombudsman sa mga pahayag upang hindi na sumabog ang sitwasyon at tuluyang mapikon ang Presidente.
Naniniwala naman si Roque na kneejerk reaction lamang ng Pangulo ang balak na pagpapaimbestiga sa katiwalian sa Office of the Ombudsman dahil napikon ito sa mga naging pahayag ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang.