Kinumpirma ng Malacañang na magkakaroon ng nakatakdang pag-uusap sina Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Vladimir Putin.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, gaganapin ang pag-uusap ng dalawa sa pamamagitan ng telepono.
Bukod dito, hindi na naman nagbigay pa ng ibang detalye ang kalihim kung kailan gaganapin ang pag-uusap at kung anong mga nakalatag na usapin ang tatalakayin ng dalawang lider.
Paliwanag pa ni Roque, classified as secret ang schedule ng Pangulo.
Matatandaang noong nakalipas na taon, muling inimbitahan ni Pangulong Duterte si President Putin na tumungo sa Pilipinas sa oras na bumuti na ang sitwasyon.
Dalawang beses na ring opisyal na bumisita si Pangulong Duterte sa Russia.
Facebook Comments