Pangulong Duterte at Senator Pacquiao, inaasahang magkakaayos din

Umaasa si Senador Christopher ‘Bong’ Go na magkakaayos din sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Manny Pacquiao matapos ang isyu ng korapsyon sa gobyerno.

Sinabi ni Go na pare-pareho din naman ang kagustuhan nilang labanan ang korapsyon at pareho silang mga Mindanaoan.

Ayon kay Go, dati na nilang panawagan ni Pangulong Duterte na isumbong kung may nalalamang korapsyon sa gobyerno basta mayroong ebidensiya.


Nilinaw ni Go para maging patas ay dapat bigyan ng pagkakataon ang mga tao sa gobyerno na patunayang hindi lahat ay may ginagawang kalokohan.

Samantala tiniyak ni Go na suportado pa rin nila ni Pangulong Dutertre si Senator Paquiao sa kanyang nalalapit na laban.

Dagdag ni Go, hangad nila ang tagumpay ni Pacquiao dahil Pilipino pa rin ito at malaking karangalan sa bansa ang kanyang panalo.

Facebook Comments