Pangulong Duterte at Senator Pacquiao, nagkausap na

Nagpulong sa Malacañang kamakalawa ng gabi sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Manny Pacquiao.

Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, kampo ni Pacquiao ang nag-request ng pulong.

maikli lamang ang pag-uusap nina Pangulong Duterte at Pacquiao kung saan sila ay nagkamustahan at muling binuhay ang kanilang pagkakaibigan ng walang politika.


Samantala, present din sa pulong si Go at binanggit niya na sila ni Pacquiao ay magkaibigan din at magkumpare.

Inihayag naman ng media relations officer ni Pacquiao na ang nangyari ay pulong ng national leaders kung saan tinalakay ang interes ng mamamayan at pagpapa-unlad sa Mindanao partikular sa larangan ng imprastraktura at power industry.

Facebook Comments