Pangulong Duterte at Vice President Robredo, nagpaabot ng pagbati kasabay ng ika-69 na anibersaryo ng RMN

Bumabati rin ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa pagdiriwang ng ika-69 na anibersaryo ng Radio Mindanao Network (RMN) at ikatlong anibersaryo ng DZXL 558 Radyo Trabaho.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang RMN Networks at DZXL 558 Radyo Trabaho dahil sa walang sawang paghahatid ng balita at serbisyo publiko.

Inihalimbawa naman ni Vice President Robredo ang Biserbisyong Leni na isa sa programa ng DZXL 558 Radyo Trabaho tuwing Linggo sa pagpapakalat ng tamang impormasyon at kwento ng mga Pilipino.


Dahil dito, tiwala si Robredo na magiging tuloy-tuloy pa rin ang magandang sinimulan ng RMN Networks tulad ng pagbabalita ng katotohanan para sa mga Pilipino.

Una na ring nagpahatid ng pagbati sa RMN Networks at DZXL 558 Radyo Trabaho ang mga senador, kongresista at personalidad na sina:

1. PRC Chairman at Senator Richard Gordon
2. PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar
3. Senator Risa Hontiveros
4. Congresswoman Loren Legarda
5. Former Senator Bongbong Marcos
6. DepEd Usec. Diosdado San Antonio
7. Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles
8. DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat
9. DSWD Secretary Rolando Bautista
10. Senator Joel Villanueva
11. Congressman Alfred Delos Santos
12. Congressman Alan Peter Cayetano
13. DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay

Happy 69th anniversary mga ka-Radyoman!

Facebook Comments