Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipinong Muslim kasabay ng kanilang pagdiriwang ngayon ng pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Fitr.
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi niyang mas makabuluhan ang pagdiriwang na ito ngayon lalo na’t malapit na nating matalo ang problema na dulot ng COVID-19 pandemic.
Kasunod nito, umaasa rin ang pangulo na magiging simbulo ng kapayapaan, pagkakaisa at pagbangon ang panahong ito para sa progresibong hinaharap.
Para naman kay Vice President Leni Robredo, sa kabila ng mga physical distancing na ipinatutupad ngayon ay dapat na mas manatiliing malapit ang spiritual ties ng bawat isa.
Ayon pa sa pangalawang pangulo, ang selebrasyon na ito ay hindi lamang dahil sa pagtatapos ng panahon ng pag-aayuno kundi isang paalala na iisa tayong komunidad.