Pangulong Duterte, ayaw ng tumanggap ng segunda manong kagamitang pandigma mula sa ibang bansa

Manila, Philippines – Ayaw nang tumanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga segunda manong kagamitan mula sa ibang bansa.

Pahayag ito ng Pangulo sa harap ng mga sundalo ng 102nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Zamboanga Sibugay kahapon.

Aniya, kung kailangang gumastos ng doble ay gagawin niya matiyak lang na bago ang maibibigay na kagamitan sa militar.


Muli ring hinikayat ni Duterte ang mga sundalo na gawin lang ang kanilang trabaho at siya na aniya ang bahala sa legal accountability ng mga ito.

Dagdag pa ng Pangulo, tiyak niyang maipapanalo ng gobyerno ang laban sa mga terorista bagama’t matatagalan pa.

Kahapon sana ang deadline o target ng militar na tapusin ang krisis sa Marawi pero aminadong hindi ito kakayanin dahil kinokonsidera nila ang kaligtasan ng mga sibilyan na pwedeng maipit sa bakbakan.
DZXL558

Facebook Comments