Manila, Philippines – Balik bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang two-day working visit sa Japan.
Sa kaniyang arrival speech sa Davao International Airport, ibinida ng pangulo ang kaniyang pagbisita sa japan na “most productive and engaging.”
Kasunod ng pangako ni Prime Minister Shinzo Abe na special assistance program, sinabi ni Duterte na napag-usapan nila ang lalo pang pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at Japan.
Aniya, nagkasundo rin ang Pilipinas at Japan para paigtingin ang Defense Cooperation upang labanan ang terorismo, violent extremism at transnational crimes.
Facebook Comments