Balik-bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang limang araw na official visit sa China.
Kaninang madaling araw nang lumapag sa Villamor Air Base sa Pasay City ang sinakyang eroplano ng pangulo kung saan siya sinalubong ng mga opisyal ng pulisya at militar.
Itinuturing namang matagumpay at produktibo ng Malacañang ang naging pagbisita ng pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dahil sa malapit na relasyon, nagkaroon ng ‘frank exchanges’ sina Pangulong Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping ukol sa posisyon ng bawat bansa sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Nagkaroon din ng courtesy call mula kay Chinese Vice President Wang Qishan ang pangulo sa ikaapat na araw ng state visit.
Nakipagkita rin sa mga Chinese Businessmen ang pangulo at hinikayat ang mga ito na magnegosyo sa bansa.
Personal ding pinanoon ng pangulo ang laban ng Gilas Pilipinas at Italy sa opening game ng FIBA Basketball World Cup sa Guangzhou kahapon.