Pangulong Duterte, bantay-sarado sa mga kaganapan sa harap na rin ng pananalasa ng bagyong Maring

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na ‘on top of the situation’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaganapan sa bansa lalo na sa pananalasa ng bagyong Maring sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon sa Presidential Communications Operations Office, patuloy ang ginagawang monitoring ni Pangulong Duterte sa mga kaganapan sa mga lugar na matinding naaapektuhan ng bagyong Maring.

Hindi pa rin naman naglalabas ang Malacañang ng impormasyon kung tuloy ba o hindi ang schedule ni Pangulong Duterte mamayang gabi.


Nabatid na magmumula pa ng Davao City ang Pangulo bago ito tumungo sa Libingan ng mga Bayani kung saan 7:00 pa ng gabi ito inaasahang darating para bisitahin ang burol ni Captain Rommel Sandoval na namatay sa bakbakan sa Marawi City at pagkatapos noon ay pupunta din ang Pangulo sa Caloocan para sa burol ni PO3 Junior Hilario na napatay naman ng nanlaban na drug suspect at 9:00 naman ng gabi inaasahan ang Pangulo doon.

Facebook Comments