Pangulong Duterte, bibili ng mga radyo para sa alternative learning

Hahanap si Pangulong Rodrigo Duterte ng pondo sa pagbili ng mga radyo para sa mga estudyanteng nakatira sa mga malalayong lugar sa harap ng pagpapatupad ng alternative learning.

Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na bagama’t mura lamang ang radyo, hindi sapat ang pondo ng pamahalaan para dito.

Aniya, maaari siyang makahanap ng pondo para dito sa katapusan ng linggo.


Una nang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na gagamitin ang radyo at telebisyon para sa paghahatid ng lesson sa mga estudyante bilang bahagi ng blended learning.

Facebook Comments