Tuguegarao City, Cagayan – Nakatakdang darating ngayong araw March 14,2018 si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Cagayan para saksihan ang pag-sira sa mga smuggled luxury cars sa Sta. Ana at titingnan ang pasilidad ng bagong Cagayan North International Airport sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.
Sisirain ang 25 na mamahaling sasakyan gamit ang bulldozer na nasa warehouse ng Port Irene.
Maliban sa pagsuri ng pangulo sa Cagayan North International Airport, makikipagpulong din sa 300 CEZA locators, lokal na opisyal at magsasaka mula sa bayan ng Sta. Ana at Lal-lo.
Matatandaan na inihayag ni Lal-lo Vice Mayor Oliver Pascual na magbubukas ang CNIA sa domestic flight nito na mula sa Macao, China sa darating na March 23,2018 at Manila-Lal-lo sa buwan ng Abril.
tags:Luzon, RMN News Cauayan, DWKD 985 Cauayan, Tuguegarao City, Rodrigo Duterte, Cagayan North International Airport, Vice Mayor Oliver Pascual