Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bibisita sya sa Marawi City sa ika-apat na anibersaryo ng paglaya nito mula sa mga terorista.
Sa taped Talk to the People ng Pangulo, sinabi nito na a-attend siya sa ribbon-cutting ceremony sa ni-rehabilitate na Grand Mosque.
Mismong si Housing Secretary Eduardo del Rosario na pinuno rin ng Task Force Bangon Marawi ang nag-imbita kay Pangulong Duterte.
Ayon pa sa pangulo, pumunta nga siya noon sa Marawi na panahon ng giyera lalo na ngayong payapa na ito mula sa mga kamay ng terorista.
Sa ngayon, marami na ayon kay Del Rosario ang natapos na mga proyekto sa Marawi upang makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga kapatid nating Muslim.
Nabatid na Oktubre 17, 2017 nang matalo ng puwersa ng pamahalaan ang mga terorista sa pangunguna ng ISIS mula sa limang buwang digmaan.