Planong bumisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilyang naiwan ng mga biktima ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu bago ito bumalik sa Maynila.
Kinumpirma ito ni Senator Bong Go kung saan ayon sa kaniya ay nakatakda siyang sumama sa Pangulo sa pagpunta nito nang personal para makiramay sa mga naiwang pamilya.
Ayon kay Go, nais ni Pangulong Duterte na mapataas ang moralidad ng mga sundalo sa lalawigan lalo na’t ilang kasamahan nila ang nasawi sa pagsabog.
Samantala, naniniwala naman si Go na hindi na kailangan pang magpatupad ng Martial Law sa Jolo at sa buong lalawigan ng Sulu dahil mayroon nang umiiral na Anti-Terrorism Act of 2020.
Matatandaang 17 ang nasawi sa nangyaring pagsabog noong agosto 24 kabilang ang ilang sundalo, sibilyan at isang pulis habang 75 naman ang naitalang sugatan.