Pangulong Duterte, Bibisitahin Ngayong hapon ang Labi ng Hepe ng PNP Mallig at mga Sugatang Sundalo dito sa Isabela!

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang dumalaw ngayong hapon si Pangulong Rodrigo Duterte dito sa lalawigan ng Isabela upang personal na makiramay sa pamilya ng napatay na hepe ng PNP Mallig at sa mga sundalong nasugatan matapos makipagsagupaan sa mga New People’s Army (NPA).

RMN Cauayan’s Special Coverage on President Duterte’s visit in Isabela

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Jong Edale, ang manager ng PIA Isabela, maliban sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa burol ni Police Chief Inspector Michael Tubaṅa ay nakatakda rin nitong bisitahin ang pitong mga sundalo ng 86th Infantry Batallion na nasugatan sa nangyaring bakbakan laban sa mga NPA ditto sa lalawigan ng Isabela.


Una ng dumalaw sa burol ni Police Chief Inspector Michael Angelo Tubaña si PNP Chief Oscar Albayalde at binigyan ng Posthumous Promotion ang napatay na hepe sa nangyaring Drug Buy Bust Operation noong linggo ng gabi.

Sa ngayon ay kasalukuyan ng nakalagak sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang labi ng napaslang na hepe kung saan dito na bibigyan ng parangal ni Pangulong Duterte.

Ayon pa kay manager Edale na mahigpit na ang seguridad ng Presidential Security Group sa naturang lugar at nandito na rin umano ang Media Accreditation Registration Office ng Malacañang upang magbigay ng ID para sa Press Briefing ng mga mamamahayag kasama ang Pangulo.

Facebook Comments