Manila, Philippines – Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Myanmar at Thailand sa susunod na linggo.
Layon ng kaniyang pagbisita na humingi ng payo tungkol sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit dito sa bansa ngayong taon.
Pupunta sa Myanmar si Duterte sa March 19 hanggang 20, na susundan agad ng pagpunta niya sa Thailand sa March 21 hanggang 22.
Ayon sa pangulo, babalik siya sa Thailand dahil noong una siyang pumunta doon ay hindi tumatanggap ang pamahalaan ng dignitaries dahil nagluluksa pa ang bansa sa pagpanaw ng kanilang hari.
Anya tatanungin niya ang Myanmar at Thailand kung anu-ano ba ang mga gusto nilang matalakay sa ASEAN summit.
Inaasahan kasi ang paglalabas ng ASEAN members ng joint statement tungkol sa mga mahahalagang isyu sa rehiyon, kaya masasayang lang aniya kung sa mismong summit pa magdidiskusyon ang mga kinatawan ng mga bansa.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
Facebook Comments