Lilipad papuntang Bohol si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw upang pangunahan ang pagbubukas ng pitong Seaport Development Project sa Tagbilaran City.
Kabilang sa mga papasinayahan ng Pangulo ang Port of Catagbacan, Port of Talibon, Port of Maribojoc, Port of Tagbilaran, Port of Jagna, Port of Tapal at Port of Ubay.
Ang mga natapos na proyekto ay bahagi parin ng “Build, Build, Build” program ng Duterte administration.
Target kasi ng administrasyon na maging rising stature ang Bohol bilang major tourism destination at economic powerhouse.
Inaasahang makakasama ng Pangulo sa nabanggit na event sina Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, Bohol Governor Arthur Yap at Jay Daniel Santiago ang General Manager ng Philippine Ports Authority.