Biglang nagbago ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng pondo ng gobyerno para sa pagtatayo ng gambling house sa Boracay Island.
Ayon kay Pangulong Duterte, kailangan nang maglaan ng pondo ang pamahalaan upang magkaroon ng gambling house sa isa sa mga pinakamagandang isla sa bansa.
Taliwas ito sa naunang sinabi ng pangulo na wala nang pondo ang pamahalaan kung pagtutuunan ng pansin ang pagbubukas ng gambling house.
Matatandaang una nang pinuna ng pangulo ang mga opisyal mula sa Nayong Pilipino Foundation sa pagbibigay ng prangkisa sa pagsusugal at sinabing hindi siya makakapayag na magkaroon nito sa Pilipinas.
Habang inatasan din nito ang Philippine Offshgore Gaming Cosporations (POGO) casinos na magbigay ng pondo sa gobyerno para sa paglaban sa COVID-19.