Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Senador na ipapakulong kung isa-cite-in contempt ang kaniyang mga gabinete at opisyal ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na humaharap sa pagdinig ng Senado.
Utos ni Pangulong Duterte sa kaniyang mga gabinete, huwag nilang hahayaan na sigaw-sigawan sila ni Senator Richard Gordon.
Habang binigyang-direktiba rin nito ang Philippine National Police (PNP) at AFP na huwag sundin ang anumang ipinag-uutos ng senado.
Sa ngayon, tiniyak ng pangulo na hindi siya nababahala kahit umabot ng korte suprema ang gusot sa pagitan ng Senado at ehekutibo.
Matatandaang nitong lunes, inilabas ni Pangulong Duterte ang memorandum na huwag nang dadalo ang kaniyang cabinet members sa senate probe.
Kaugnay ito sa pagdinig ng Senado tungkol sa umano’y overpriced pandemic essentials na binili ng pamahalaan.