Pangulong Duterte, binalaan ang U.S. State Department kaugnay sa pangingialam sa war on drugs ng Pilipinas

Inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naging resulta ng paglaban ng kaniyang administrasyon sa iligal na droga na sentrong programa ng gobyerno.

Ginawa ito ng pangulo kasunod ng panawagan ng 10 senador mula sa Estados Unidos na humihimok kay US President Joe Biden na kondenahin ang umano’y paglabag ng bansa sa karapatang-pantao dahil sa pagsugpo sa iligal na droga.

Sa Talk to the Nation ni Pangulong Duterte kagabi, pinasaringan nito ang mga sumisira sa kaniyang administrasyon.


Binalaan naman nito ang U.S. State Department sa mga aksyong gagawin sa apela ng mga Senador, dahil giit ng Pangulo ay marami rin ang naging paglabas ng Amerika sa karapatang-pantao.

Sa ngayon batay sa datos mula sa gobyerno, umabot na sa 293,841 drug suspects ang naaresto sa Pilipinas, kung saan 6,147 ang nasawi sa 203,715 anti-illegal drug operations na isinagawa mula July 1, 2016 hanggang May 31, 2021.

Facebook Comments