Pangulong Duterte, binanatan ang DPWH dahil sa laganap na korapsyon

Nananatili pa rin ang korapsyon sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte habang dinidinig sa Kongreso ang proposed budget ng kagawaran para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng ₱667 billion.

Sa kaniyang public address kagabi, naniniwala si Pangulong Duterte na laganap pa rin ang korapsyon sa ahensya pero bigo siyang pangalanan ang mga opisyal na nakikinabang dito.


Iginiit ni Pangulong Duterte na matindi ang katiwalian sa DPWH mula sa mga proyekto at righ-of-way.

Bago ito, kinuwestyon ng mga senador ang “lump-sum-riddled” budget ng DPWH na nasa ₱345.25 billion.

Facebook Comments