Pangulong Duterte, binanatan ang ICC dahil sa panghihimasok sa mga isyu ng bansa

Muling pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC).

Una nang sinabi ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na mayroong ‘reasonabile basis’ para paniwalaang mayroong nangyaring Crime Against Humanity sa ilalim ng Giyera kontra Droga ng administrasyon.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, pinuna ng Pangulo ang pangingialam ng ICC sa internal affairs ng Pilipinas.


Tanong ng Pangulo, sino ang nagbigay sa kanila ng awtoridad at anong batas ang nagbibigay sa kanila ng karapatan na usigin siya.

Hindi na kailangan ng ICC na manghimasok dahil gumagana ang mga korte sa bansa.

Facebook Comments