Pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga donor na pinapipila pa ang mga tao para sa pagkain sa harap ng mga nagsusulputang community pantries ngayong pandemya.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, ang mga ganitong aktibidad ay pinapalala lamang ang COVID-19 transmission.
Sinabi ng Pangulo na maraming tao ang magiging malapit sa isa’t isa na magiging mitya na naman ng hawaan.
Ito aniya ang dahilan kung bakit naghihigpit nag pamahalaan at limitahan ang galaw ng mga tao.
Dagdag pa ng Pangulo, na kapag naghigpit ang pamahalaan ay sila na naman ang sisisihin.
Iginiit din ni Pangulong Duterte na tahimik na tumutulong ang gobyerno sa mga mahihirap na Pilipino.
Ang mga nangangailangan ng tulong, hinimok ni Pangulong Duterte ang mga ito na makipag-coordinate sa barangay officials.