Pangulong Duterte, binanatan ang mga kritikong pumuna sa kanyang pagiging absent sa pagtama ng Bagyong Rolly

Sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritikong nais siyang iharap sa hagupit ng Bagyong Rolly.

Ito ang depensa ng Pangulo matapos siyang mabatikos dahil hindi siya mahagilap nang tumama ang bagyo sa Bicol Region nitong weekend.

Sa kanyang public address, iginiit ni Pangulong Duterte na nasa Davao City siya para dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang bilang bahagi ng taunang tradisyon at Araw ng mga Patay.


Dagdag pa ng Pangulo, agad siyang umalis ng Davao at dumiretso sa mga apektadong lugar nang makatawid na ang bagyo.

Banat pa ni Pangulong Duterte, gusto ng kanyang mga kritiko na salubungin niya ang bagyo at magbuwis buhay.

Nang humina ang bagyo, nagsagawa si Pangulong Duterte ng aerial inspection sa Albay at Catanduanes at bumaba sa Guinobatan, Albay para kausapin ang mga nasalantang residente.

Para kay Pangulo, wala nang ginagawa ang mga kritiko kundi magreklamo.

Facebook Comments