JAPAN – Muling binanatan ni Pangulong Duterte ang Amerika sa ikalawang araw ng kanyang state visit sa Japan.Sa kanyang talumpati sa harap ng Japanese businessman, kinilala ng Pangulo ang naitulong ang Amerika pero hindi niya nagugustuhan ang pananakot ng US Government na aalisin ang mga ibibigay na tulong sa Pilipinas.Inulit rin nito, na hindi siya magiging sunod-sunuran sa Amerika sa pagkondena sa umanoy kaso ng extra judicial killings sa kanyang kampanya laban sa droga.Iginiit din ng Pangulo, na handa niyang ibasura ang military agreement sa US para tuluyan nang mapaalis ang mga sundalong Amerikano sa bansa.Nilinaw naman ni Duterte, na tanging ugnayan sa ekonomiya ang pakay ng kanyang pagbisita sa China noong nakaraang linggo at walang napag-usapan hinggil sa alyansa.Tulad ng Pilipinas, kaalyado din ng amerika ang Japan na nagkalamat din ang relasyon sa China dahil sa agawan ng teritoryo sa East China Sea.
Pangulong Duterte, Binanatan Na Naman Ang Estados Unidos
Facebook Comments