Pangulong Duterte, binati si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa pagkapanalo nito sa halalan

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakapanalo ni Shinzo Abe para sa kanyang isa pang termino bilang Prime Minister ng Japan.

Ang Liberal Democratic Party kasi ang nanalo sa naganap na halalan nitong weekened.

Sa pagkapanalo ni Abe ay naniniwala ang Pangulo na mas gaganda pa ang relasyon ng Pilipinas at ng Japan lalo na sa mga usaping pangekonomiya, socio political at security and defense cooperation.


Kaya naman tiwala ang Pangulo na magiging mas matibay at lalakas pa ang bilateral relations ng Japan at Pilipinas sa mga susunod pang taon.

Matatandaan na ang Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency o JICA ang popondo sa ilan sa mga infrastructure projects ng Duterte Administration at kabilang dito ang Subway system na itatayo mula sa NAIA hanggang Quezon City.

Facebook Comments