Pinatutsadahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang European lawmakers dahil sa pangingialam sa panloob na usapin ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinokonsidera ni Pangulong Duterte na mali ang panghihimasok ng dayuhan sa sovereign affairs ng ibang bansa.
Dagdag pa ni Roque, nanindigan din si Pangulong Duterte na may sapat na batayan para ikulong si Senator Leila De Lima na nasasangkot sa drug-related charges maging ang mga criminal complaints na kinahaharap ni Rappler Chief Maria Ressa.
“Mahaba ang diskusyon ni Presidente tungkol kay Leila De Lima kung bakit hindi po siya talaga nakakulong as a political prisoner, kung hindi as a common criminal related to drug charges, the same thing with Maria Ressa,” ani Roque.
Nabatid na inaprubahan ng European Parliament ang resolution kung saan ikinababahala nila ang lumalalang human rights at press freedom situation sa Pilipinas at ipinapanawagan sa United Nations na imbestigahan ang mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs.
Ang controversial resolution ay tinalakay ng Pangulo sa kaniyang meeting kasama ang iba pang miyembro ng Gabinete sa Davao City nitong Lunes ng gabi.