Pangulong Duterte, binawi ang pagpayag sa face-to-face classes

Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang utos na payagan ang face-to-face classes sa mga piling lugar sa bansa.

Ito ay bilang pag-iingat laban sa lumabas ngayong bagong strain ng COVID-19 na unang na-detect sa United Kingdom.

Sa pulong kasama ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force, sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagan ang face-to-face classes hangga’t hindi natatapos ang banta ng virus.


Ayon kay Pangulong Duterte, binabawi na niya ang utos kay Education Secretary Leonor Briones para na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Matatandaang Disyembre 14 nang aprubahan ng Pangulo ang panukala ng DepEd na magsagawa ng face-to-face classes sa mga lugar na itinuturing na mababa ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments