Pangulong Duterte, binigyan ng pasadong marka mula sa security cluster ng Gabinete

Binigyan ng pasadong grado si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang mga miyembro ng gabinete lalo na sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, chairperson ng Security, Justice and Peace Cluster (SJPC) ng administrasyon, binigyan nila ng 90% na marka si Pangulong Duterte pagdating sa pagpapanatili ng seguridad sa bansa.

Nagawa ng administrasyon na mapahusay ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng modernization.


Kabilang na rito ang mga bagong assets na ginagamit para sa pagtanggol ng teritoryo ng bansa, paglaban sa terorismo, human at disaster response, at pagpapanatili sa kapayapaan.

Sinabi rin ni Lorenzana na may maayos na istratehiya si Pangulong Duterte sa kanyang kampanya laban sa insurhensiya at terorismo.

Binigyan naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ng 87% na grado ang pangulo.

Sa ilalim ng kanyang termino, nabuo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) noong 2018 at pagtatatag ng Barangay Development Program (BDP).

Nasa 2,965 communist rebels ang na-neutralize sa mga engkwentro at law enforcement operations.

Facebook Comments