Manila, Philippines – Inihyaag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi unconstitutional at hindi din pagiging diktador ang plano niyang pagtatatag ng isang komisyon na siyang magiimbestiga sa katiwalian sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi maaari na walang mag-iimbestiga sa mga kalokohan na nangyayari sa Ombudsman at lalo pang hindi maaari na sila-sila din ang magiimbestiga sa isat-isa.
Binigyang diin ng Pangulo, imaaaresto niya sa Pulis ang sinomang tauhan ng Ombudsman na hindi sisipot sa pagdinig ng bubuuin niyang komisyon.
Sinabi ng Pangulo na maging siya ay naging biktima na noon ng katiwalian o pangongotong sa Ombdusman.
Matatandaan na naglabas ng Pahayag si Ombudsman Conchita Carpio Morales kung saan sinabi nito na ang dahilan ng planong pagbuo ng Pangulo ng komisyon na magiimbestiga sa kanila ay dahil sa ginagawa nilang imbestigasyon kaugnay sa bank accounts ng Pangulo.
Nanindigan din naman si Morales at sinabing itutuloy ang kanilang imbestigasyon at sinabi pa nito na kung wala namang itinatago ang Pangulo ay wala naman itong dapat ikabahala.
Pangulong Duterte, binigyang diin na hindi pagiging diktador o unconstitutional ang pag-iimbestiga sa Ombudsman
Facebook Comments