Pangulong Duterte, binigyang pagkilala ang mga tinaguriang “modern-day heroes” ngayong National Heroes’ Day

Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng bansa sa National Heroes’ Day.

Sa mensahe ng pangulo, buong pagmamalaki niyang kinikilala ang sakripisyong inialay ng ating mga bayani na lumaban upang makamit ang demokrasyang tinatamasa natin ngayon.

Samantala, kasunod ng nararanasang COVID-19 pandemic, hinihikayat ng Pangulo na kilalanin ang mga tinaguriang modern-day heroes; ang mga medical frontliner at lahat ng essential workers na patuloy na nagsasakripisyo upang maipanalo ang laban kontra COVID-19.


 

Facebook Comments