Pangulong Duterte, binigyang-parangal ang mga ospital staff na rumesponde sa sunog sa PGH

27

Binigyang parangal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ospital staff na rumesponde sa naganap na sunog sa Philippine General Hospital (PGH).

Ito ang Order of Lapu-Lapu Award na iginagawad sa mga manggagawa ng gobyerno o mula sa pribadong sektor na nagpakita ng kakaibang pagserbisyo para sa kapakanan ng publiko at ng bansa.


Matatandaang nitong May 16 nang nasunog ang ikatlong palapag ng PGH kung saan inilikas ang maraming pasyente sa kalapit ospital kasama na rito ang 16 na bagong silang na sanggol.

Tinatayang umabot naman sa 50 milyong piso ang pinsala ng sunog.

Facebook Comments