Pangulong Duterte – biyaheng Cambodia, Hongkong at China sa Miyerkules

73

Manila, Philippines – Biyaheng Cambodia, Hongkong at Chinasa Miyerkules hanggang sa susunod na linggo si Pangulong Rodrigo Duterte.
  Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar –dadalo si Pangulong Duterte sa world economic forum for ASEAN sa may 10hanggang 11 sa Cambodia.
  Bilang chairman ng ASEAN ngayong taon, magsasalita aniyaang pangulo sa pagtitipon kung saan makakasama niya ang dalawampu’t lima pang Headsof State.
  Mula Cambodia, diretso sa hongkong ang pangulo paramakasalamuha ang mga OFW sa darating na weekend.
  Pupunta naman siya sa China sa May 13 para dumalo sa onebelt, one road forum ng china hanggang May 15.
  Sa ngayon ay ikinakasa na ang posibleng bilateralmeetings ng Pilipinas sa China at iba pang mga bansa.
   


Facebook Comments