Nakatakdang magtungo ng General Santos City ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte.
Iinspeksyunin ng pangulo ang airport at seaport development sa GenSan.
Magkakaroon ng walkthrough inspection ang pangulo sa passenger terminal building ng GenSan Airport gayundin sa ilang pantalan.
Makakasama ng presidente sina Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Captain Jim Sydiongco at Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago.
Nitong nakalipas na lingo ay nagtungo ang pangulo sa Mindoro at pinasinayahan ang 8 seaport development projects.
Facebook Comments