Pangulong Duterte, bubuo ng isang Komisyon na mag-iimbestiga sa Ombudsman

Manila, Philippines – Balak magtayo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang komisyon na siyang mag-iimbestiga sa Ombudsman.

Sa isang interview kay Pangulong Duterte ay sinabi nito na Ombudsmn naman ang kanyang hahabulin dahil alam niyang matagal nang may katiwalian dito dahil nanabayaran umano ito sa mga kaso nitong hinahawakan.

Mayroon kasi aniyang opisyal ng pamahalaan na may kaso sa Ombudsman na napawalang bisa dahil nabayaran.


Isa aniyang Komisyon ang kanyang bubuoin para imbestigahan ang Ombudsman para matigil na ang pagiging partial nito o may kinikilingang opisyal.

Kinwestiyon din naman ni Pangulong Duterte ang pagsasawalang kibo ng Ombudsan sa kaso ng nga taga Liberal Party na sangkot sa kaso ng katiwalian tulad ng DAP.

Binigyang diin pa ng Pangulo na hindi maaari na Ombudsman lang ang nag-iimbestiga sa mga opisyal ng gobyerno pero mayroon ding nagaganap na katiwalian dito kaya kailangan ng isa pang hiwalay na komisyon na siya namang sisilip sa Ombudsman.

Facebook Comments